Random Corny Quotes ( from the facebook page "Love Story Ni Boy at ni Girl )
Masyado lang akong natuwa sa mga status ng creator nung page. kahit may pagka-corny ung ilan, benta pa din! hahaha XD. AGAIN, THESE QUOTES ARE NOT MINE. Galing ko to sa Love Story ni Boy at ni Girl . dakilang taga-copy-paste lang po ako. :)))
- Kinausap ni Boy si Girl.
Boy: Girl, pwede ba kitang shotain?
Girl: Ok ka lang? Ano ako.. libro sa library na pwede mong hiramin at gamitin kung kailan mo gusto tapos kapag hindi mo na ako kailangan isasauli mo na ako. Tinatanong mo ako kung pwede mo akong shotain, grabe ka naman.. syempre pwedeng pwede.
->ate, ang kati mo! :))
- Girl: Kunwari makikipag break ako sayo kasi gusto ko lang, payag ka?
Boy: Hindi ko matatanggap. Pero kailangan eh, wala naman akong karapatan na utusan ka na mahalin mo ako kung ayaw mo na.. But always remember that I loved you more than anything and mahirap sakin na mawala ka sa buhay ko, dahil binigay ko lahat para sayo.
Girl: so kamusta naman yung project niyo sa school?
->si ate, nagchange topic. haha.
- Girl: Gaano mo ako kamahal?
Boy: Ikaw?
Girl: Hindi. Yung kapitbahay namin. Siyempre ako! Tanga? Tanga? Di mo gets?
- Girl: Uy, Boy, gising ka na. May pasok ka pa!
Boy: Wala akong pasok ngayon.
Girl: Meron.
Boy: Saan naman?
Girl: Sa puso ko!
- Boy: Grabe Girl, nanaginip ako kagabi. Nakipaghiwalay ka na daw sa akin.
Girl: Ok ka lang Boy?
Boy: Bakit?
Girl: Kelan ba naging tayo? DI ka pa nga nanliligaw eh.
->BASAG!!! XDD
- Gusto nang umamin ni Boy kay Girl na mahal niya ito.
Boy: Hello girl.
Girl: Hi boy.
Boy: May sasabihin sana ako sayo.
Girl: Ano yun?
Boy: Kaso nahihiya ako eh.
Girl: Bigyan mo na lang ako ng clue.
Boy: 3 words.
Girl: Ahhmmm... "Ang Ganda Ko"?
- May lihim na pagtingin si Boy kay Girl.
Girl: Boy, may gusto ka ba sa akin?
Boy: Ha? Hindi ko pwedeng sabihin eh.
Girl: Bakit naman?
Boy: Tumingin ka sa taas, hindi mo ba nabasa "may LIHIM na pagtingin si Boy kay Girl", edi pag sinabi ko di na lihim yun. Bobo ka ba?
->Basag si Girl. Nakaganti rin si Boy! :DD
- Boy: Mahal mo ba ako?
Girl: Hindi.
Boy: Naintindihan mo ba yung tanong ko?
Girl: Oo.
Boy: Ano ba yung tanong ko?
Girl: "Mahal mo ba ako?"
Boy: Oo Girl, mahal kita. :)
- Nakabasa si Girl ng chain message sa Facebook:
"DONT READ THIS. YOU'LL BE KISSED ON THE NEAREST POSSIBLE FRIDAY BY THE LOVE OF YOUR LIFE. TOMMOROW WILL BE THE BEST DAY OF YOUR LIFE. NOW YOU'VESTARTED READING THIS. DON'T STOP. THIS IS SO FREAKY."
Girl: Leche! Kung mahal niya ako, kahit hindi friday ikikiss niya ako. Nagpapaniwalayung mga tao sa ganitong kababawan! bwahahaha...
- Namili si Girl sa Divisoria.
Habang naglalakad sa kalsada.
Tindera: Ate, bracelet gusto mo?
Girl: Hindi po ate.
Tindera: Eh, blouse maganda yan, murang mura.
Girl: Ate, hindi po.
Naiinis na si Girl.
Tindera: Ate, ano ba hanap niyo?
Girl: Kapayapaan. Pagkakaisa. Pag-ibig. Meron kayo nun?
- May isang sad na girl...
Boy: Alam mo ba, ikaw ang pangalawang pinakamagandang babae na nakita ko...:)
Girl: huh?! eh sino ung una??
Boy: IKAW! ... pag nakasmile! :)
- Boy: Girl, pwede ka bang ligawan?
Girl: Ako?
Boy: Hindi, ako. Liligawan ko sarili ko. Tanga lang? Bobo ka eh noh
Girl: Ikaw pala ang bobo eh
Boy: Bakit naman?
Girl: Tinawag mo akong Bobo. babae kaya ako, kaya dapat BOBA! Tsk Tsk!
- Ghost Hunting sila Boy at Girl.
habang naglalakad pababa sa hagdan ng basement, biglang sumigaw si Boy..
Boy: Hala! Naramdaman mo ba un?
Girl: (natatakot na) ANG ALIN?
Boy: Na mahal na kita..
- Girl: Boy, anong gusto mong gift sa Pasko?
Boy: PSP..
Girl: ha? diba may PSP ka na?
Boy: Oo..
Girl: eh bakit gusto mo ulit nun?
Boy: ibang PSP naman yung gusto ko eh..
PSP as in PASKO SA PILING mo!
- Magkasama si Girl at si Boy.
Napatingin si Boy sa salamin.
Boy: Ang hirap talagang maging gwapo..
Girl: Malamang.. Buti di mo naranasan!
hahahahahahaha :)))
- Nahuli ni Girl si Boy na may kasamang ibang girl.
Girl: Hoy! Sino yung kasama mo kahapon?
Boy: Sino?
Girl: Yung babae, magkaholding hands pa kayo.
Boy: wala naman eh.
Girl: Anong wala? manloloko ka talaga.
Boy: Girl, hindi kita niloloko.
Girl: Sinungaling ka!
Boy: Hindi kita niloloko.. yung babaeng kasama ko kahapon yung niloloko ko.
- Status:
Boy smiling at Girl..
Girl: bakit ka nakangiti dyan?
Boy: kamukha mo kasi ung panlimang gf ko eh.
Girl: ilan na ba naging gf mo?
Boy: APAT! :D
- Boy: Bakit wala ka pang boyfriend since birth?
Girl: Bawal pa eh. Ikaw, may girlfriend ka na ba?
Boy: Wala pa rin eh.
Girl: Bakit naman?
Boy: eh kasi bawal ka pa eh.
- Boy : tignan mo primary photo ko kasama kta..
Girl : ohh ikaw lng naman mag isa jan ahh :|
Boy : nasa puso na kasi kita :)
- Nananahimik sa isang tabi si Girl nang may lumapit sa kanya.
Boy: Ate, ikaw ba si Tina?
Girl: Ha? Hindi eh. Sino ba yun?
Boy: Yung TINAdhana para sa akin.
->Boom! Paraparaan at pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon! Nice one!
- Kung magiging isang bagay ang Lalaki o Babae, ano ito at bakit?
Boy : ang mga babae parang damit. Madaling palitan, may reserba pa.
Girl : Oh talaga?! eh kayong mga lalake parang accesories, pwedeng sabay-sabay!
- Ligawan101-Lesson 1: "Meet the Parents"
Boy: pwede ko po ba ligawan anak ninyo?
Tatay ni Girl: hindi pa pwede..nag-aaral pa siya!
Boy: sige po. MAMAYA NALANG UWIAN..
- Girl: san kana?
Boy: nagdodota!
Girl: diba may date tau today! bakit nagdodota ka?
Boy: may kapustahan ako eh!
Girl: mas mahalaga pa ba yan kesa sakin ha!
Boy: Ano ka ba? Kapag nanalo ako, may pang-date na ako sayo.
Girl: Talaga? Geh, galingan mo baby ko. :)
- Girl : kung bibigyan kita ng chance na halikan ako sa harap ng madaming tao... SAAN?
Boy : (napangiti)................
SA SIMBAHAN :)
-> *kilig* :)
- BOY: MISS PWEDE MAGTANONG? ANONG ORAS NA BA?
GIRL: NAGTATANONG KA NG ORAS?
GIRL:Tapos tatanungin mo name ko?
Tpus liligawan mo ako?
Tpus bibisita ka sa bahay.
Tpus magdadate tayo.
Tpus sasagutin kita.
Tpus dadalhin mo ko kahit san lang.
Tpus my mangyayari sa atin.
Tpus papakasal tayo.
TAPUS BUBUGBUGIN MO LANG AKO!?!
AT PANO NA ANG MGA BATA?
HINDI! HINDI KO SASABIHIN KUNG ANUNG ORAS NA!
BOY: SPEECHLESS :-/
- Girl: Hoy Boy, paghanda mo nga ako ng pagkain.
Boy: Ha? WTF.
Girl: Anong sabi mo? What the F*ck? Umaangal ka na ngayon? sige break na tayo!
Boy: Hindi ah. Sabi ko Where's The Food?
- Girl: Alam mo para kang bisyo.
Boy: (kinilig) Kasi hindi mo ako maiwasan?
Girl: Hindi.
Boy: Eh ano naman?
Girl: Ikaw kasi sumira ng buhay ko eh.
- Boy: Girl, pustahan tayo.
Girl: Sige boy ano yun?
Boy: Ikikiss kita sa labi pero hindi sasayad yung labi ko sa labi mo. Kapag nagawa ko bigyan mo ako ng P100.
(kiniss ni Boy si Girl sa lips. sumayad yung labi ni Boy sa labi ni Girl.)
Boy: Ay! Malas. Talo ako.
- Boy:Energy drink ka ba?
Girl: (Kinilig) Bakit? pinapalakas ba kita?
Boy: Hindi! Mukha ka kasing cobra
- English mode sina Boy at Girl:
Boy: Help me, how can i tell a girl that i love her?
Girl: Ok, let's practice it. I'm going to pretend that i'm your crush then tell me i love you.
Boy: I love you.
Girl: I love you too, now go and tell her.
- Title: Nasirang Pangarap ni Boy"
Boy: Ikaw yung babae na sumira sa PANGARAP ko.
Girl: Huh?! Ano bang pangarap mo?
Boy: Pangarap kong maging SINGLE habang-buhay..
Boy: I just did. :)
No comments:
Post a Comment