I don't even know kung ano connection ng movie na to sa HISTO 1 namin last sem, pero I'll post it na lng tutal naka- 1.25 naman ako dito. hahaha :)) It's actually a film of FPJ under the direction of Lino Brocka. Palagay ko naman ung iba sa mga blockmates ko, nag-enjoy sa movie kasi kahit tulog ako rinig ko mga tawanan at sigawan nila. YES! TINULUGAN KO PO UNG MOVIE. kaya, pure bluff lang lahat yan :)
SANTIAGO!
Ang pelikulang ito ay base sa buhay ng mga Pilipino noong panahon ng hapon, partikular na naganap noong Ikalawang-Digmaang Pandaigdig. Ipinakita dito ang pagmamalupit at pang-aapi na natamo ng mga Pilipino sa kamay ng mga ganid na Hapones. Naisalarawan din ang paraan ng pakikibaka na kanilang isinagawa upang labanan ang nasabibg mananakop.
Hindi maitatanggi ang kasamaan lalo na ang kababuyang ipinakita ng mga hapon sa pelikulang ito. Walang pakundangang tinatanggal nila ang dignidad ng mga Pilipina sa pamamagitan ng panggagahasa sa mga ito. Sunud-sunod, nakapila, naghihintay ng pagkakataon nilang gahasain ang mga kababaihang todo ang pagmamakaawa ngunit wala namang magawa, hindi makalaban. Ngunit hindi pa ditto nagtatapos ang kanilang kasamaan; matapos pagsawaan ang mga kaawa-awang Pilipina, papatayin at susunugin nila ang mga ito, ibibitin ng patiwarik, susunugin, pupugutan ng ulo at kung anu-ano pang kawalang-hiyaan ang kanilang ipinakita.
Si Gonzalo (Fernando Poe Jr.) ay isa sa mga Pilipinong gerilya sa bayan ng Santiago, isang bayan sa Katagalugan, na pilit na lumalaban para mapagtagumpayan ang kalayaan mula sa mga hapon. Nautusan siyang pasabugin ang isang gusaling pinaniniwalaang kuta ng mga sundalong hapones. Ngunit sa kasamaang palad, napag-alaman niyang hindi lang pala mga hapon ang nasa lugar na iyon sapagkat pinamumugaran din iyon ng napakaraming Pilipino ----- mga bata at mga kababaihan. Isa sa mga nagging biktima ay ang pipi na si Hilda Koronel na kaniyang itinakas at inalagaan bilang paghuhugas-kamay sa kasalanang nagawa. . Pero hindi naging madali para kay Gonzalo ang lahat. Kinutya siya ng mga taumbayan dahil sa kawalan niya ng partisipasyon sa mga gerilya. Kalaunan ay dinumog at binugbog siya ng mga tao nang malaman na may kinalaman siya sa naganap na trahedya. Ngunit, nang sumugod ang mga Hapon sa bayan at binihag ang mga kababaihan, walang nagawa ang taumbayan kundi humingi ng tulong kay Gonzalo.
Ngunit si Gonzalo ay hindi tulad ng mga karaniwang bayani sa mga pelikula na kaagad na lamang kakalimutan ang pang-aapi ng taumbayan. Sa huling parte, naharap si Gonzalo sa isang malaking problema. Natakasan na nila ang mga hapones sa pamamagitan ng pagtawid sa isang tulay patungo sa kabilang bayan. Ngunit nang papasabugin na niya ang tulay kung saan naroon ang mga kalabang hapon, hindi pa din lahat nakakatawid ang lahat ng kababayang dapat niyang iligtas. Isang hamon sa kanya ang pagpili kung sino sa pagitan ng mga Pilipinong nakatawid na at tatawid pa lamang ang dapat na iligtas. Subalit sa bandang huli, mas pinili na lamang niyang iligtas ang mga Pilipinong nakatawid na ng tulay.
Lumaban ang mga mandirigmang Pilipino sa mga Hapones gamit ang determinasyon at pagpupursigi na makamit ang kalayaan. Hindi natin maikakaila na mahabang panahon ang dinanas ng ating mga ninuno sa kamay ng iba't ibang mananakop; ngunit hindi ito naging dahilan upang mawalan sila ng pag-asa. Ang bawa't Pilipino ay tumayo at nanindigan para sa bayan.. Bawa't isa ay nangarap para sa lupang sinilangan.
No comments:
Post a Comment