Election na bukas!!!!! Matapos ang halos isang linggong kampanya, mapa-RTR man, pamimigay ng pamphlets, stickers at kung anu-ano pang papel na kinakalat lang naman ng mga estudyante sa loob ng UP Manila campus, o pag-gawa ng facebook page, bukas na hihirangin ng mga Iskolar Ng Bayan ang karapat-dapat para sa iba't-ibang posisyon. yeah right. this will be my first ever experience sa college/university election. kaiba sa nakasanayan ko nung high school, grabe pala talaga magbanggaan ung mga parties. yun bang, parang national election, may siraan at batuhan ng kung anu-anong criticisms and brickbats sa kalaban. may mga tanong na personal, un tipong pati sarili mong kalagayan sa buhay, social man or academic pakikialaman pa din nila. kaya nga siguro nagkaroon ng term na "dirty politics" dito nagsisimula un eh. But above all,
we should look at politics in general term, in its broadest sense. I am not just saying this as a Political Science student, pero tama naman diba? kapag narinig natin ung salitang
politics, ilan lamang yan sa mga stereotypes na naririnig natin - bias, corrupt, prejudice, violence. Although in some ways, ung ilan sa mga misconceptions na yan ay talaga namang nag-eexist, still, we should not estimate and homogenize the term itself.
Pero syempre, ang pinupunto ko lang naman dito most importantly, as Iskolars Ng Bayan,
we should exercise our right to vote. Oo, hindi lamang responsibilidad, kundi karapatan. karapatan nating bumoto at maging socially aware sa lahat ng mga nangyayari sa paligid natin. Siguro naman ayaw mong ma-missed ang
first ever automated elections sa UPM db? Break a leg to all UP Manila students, and especially to the candidates! :)
share ko lang ung poem na ginawa ko nung high school ako (2nd year or 3rd year yata), though it was not about the election for tomorrow, related pa din naman.
ELEKSYON: Nasaan ka, kabataan?
By: Almira Monica Tomas Lumbang
Panahon na naman ng eleksyon.
Panahon ng pangakuan,
Panahon ng bolahan.
Kasali ka ba dito kabataan?
Hamon ko sa'yo kabataan,
ang ating sistemang nakagisnan,
baguhin na at huwag pamarisan.
Pagbabago para sa bayan, atin ng simulan.
Mga TRAPO ay iwasan.
Sila ang malalang sakit ng lipunan.
Sila na sumisira ng ating kinabukasa.
Kaya paghahari nila ay atin ng wakasan.
Ito na ang tamang panahon.
Pagbabago ay ating simulan.
Gamitin natin boses ng kabataan.
Bumoto ng tama para sa kinabukasan.
No comments:
Post a Comment