Saturday, May 7, 2011

PINAKAMASARAP NA FEELING NG ISANG TAONG NAGMO-MOVE ON.

  • Yung gumising ka isang araw na hindi na siya ang pinaka-unang taong maiisip mo.
  • Yung araw na magtext man siya, hindi ka na aligaga na magreply.
  • O yung araw na hindi ka na tingin ng tingin sa cellphone mo kung nagtext ba siya.
  • Yung araw na maisip mo man siya, wala ng sakit.
  • Yung araw na hindi ka na natatakot magkita man kayong muli dahil wala na pala siyang epekto sayo.
  • Yung araw na balitaan ka man ng mga kaibigan mo tungkol sa kanya, wala ka ng pakialam.
  • Yung araw na hindi ka na pala nagpapanggap na masaya, totoo na pala.
  • At higit sa lahat, yung araw na dumating na ang lahat ng nabanggit ko.

No comments:

Post a Comment