Ang bilis bilis talaga ng panahon.. hayy, hindi ko akalaing 17 na ko. Tama nga yata ung sinabi ni Ms. Ana (our Comm prof) na kapag matanda ka na, you do not celebrate birthdays. Hindi tulad nung bata ka na you feel so happy and contented kapag birthday mo. Pero kahit na toxic ngayong araw na to, hindi ko pinalagpas na magcelebrate pa din with my friends. :) even though my pockets was literally drained because of them, the thing is nag-enjoy ako! hahaha.
Ayon. Kumain sa McDo, na favorite fast food chain yata ni Ina dahil sa Happy meal at Mc Float. :)) Then we decided to watch a movie. Nung una, hindi kami makapag-decide kung anong papanuorin. Mas preferred ko sana kung red Riding Hood ni Amanda Seyfried pero sobrang late na kami makakauwi kung un ung papanuorin namin kaya, we decided na ung Rango na lang ni Johnny Depp. At hindi naman namin pinagsisihan na un ung pinanuod namin.
Typically, it is for the children. Cartoons naman kase, pero halos lahat naman yata ng nasa sinehan adult na. Though may konting scenes ako na hindi naintindihan, over-all the movie was terrifically good! Ang galing mag-voice ni Johnny Depp. Astig din ung pagkakagawa ng animation. Ang most of all, may moral lesson ung movie. So overall, I can say na celebration naman talaga ung nangyari nung birthday ko. I had fun! :)
Credits to Ina for the pictures.
No comments:
Post a Comment